05:00 AM UPDATE ng DOST PAGASA kay #KardingPH

05:00 AM UPDATE ng DOST PAGASA kay #KardingPH
Nakataas na po sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang ating Bayan.
Inaasahan na ang lakas ng hangin nito ay makapagbibigay ng pinsala sa mga istruktura kung kaya’t pinapayuhan ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino na ang mga nakatira sa hindi matitibay na bahay na lumikas at magtungo sa mga evacuation center sa inyong lugar, o makitapok sa higit na matibay na gusali o bahay. Gayundin ang mga nakatira sa mababang lugar, tabing-ilog at baybayin ng dagat.
Maaaring maapektuhan ang ating daloy ng kuryente at komunikasyon kung kaya’t pinaghahanda ang lahat.
Mag-iingat sa Pagdaan ng “MATA” ng Bagyo na Ipinahiwatig ng isang Biglaang Paglitaw ng Magandang Panahon kaagad pagkatapos ng napakasamangPanahon na may napakalakas na hangin na nagmumula sa HILAGA.
Kapag ang “MATA” ng Bagyo ay Tumama sa ating Bayan ay huwag Makipagsapalarang Lumayo sa Ligtas na Kanlungan Dahil pagkatapos ng isa hanggang dalawang oras ay magpapatuloy ang Pinakamasamang Panahon kasama ang Napakalakas na hangin na nagmumula sa Timog.
.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 3 7 1 7 9
Users Today : 125
Users Yesterday : 146
Users This Month : 2952
Users This Year : 11450
Total Users : 37179
Views Today : 252
Views Yesterday : 227

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: