
08:00 AM Update ng DOST PAGASA kay #KardingPH
08:00 AM Update ng DOST PAGASA kay #KardingPH
Nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang ating Bayan habang ang Polilo Group of Islands ay nasa ilalim ng Signal No. 4.
Inaasahan na ang lakas ng hangin nito ay makapagbibigay ng pinsala sa mga istruktura kung kaya’t pinapayuhan ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino na ang mga nakatira sa hindi matitibay na bahay na lumikas at magtungo sa mga evacuation center sa inyong lugar, o makitapok sa higit na matibay na gusali o bahay. Gayundin ang mga nakatira sa mababang lugar, tabing-ilog at baybayin ng dagat.
Mayroong mataas hanggang napakataas na panganib ng storm surge sa mababa at nakalantad na baybayin ng hilagang Quezon kabilang ang Polillo Islands at ang gitna at timog na bahagi ng Aurora. Bilang karagdagan, posible rin ang katamtaman hanggang mataas na panganib ng storm surge sa nalalabing bahagi ng Aurora at Quezon. Ang pinagsamang epekto ng storm surge at malakas na alon na humahampas sa baybayin ay maaaring magdulot ng nagbabanta sa buhay at nakapipinsalang pagbaha.
Huwag kalimutang ihanda ang mga kagamitan dahil maaaring maapektuhan ang ating daloy ng kuryente at komunikasyon.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso: