Ginanap ang Ika-126 taon ng Kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal o Rizal Day ngayong araw na ito ng Biyernes, Disyembre 30, 2022, alas otso ng umaga na may temang ‘’Kapayapaan, Pagkakaisa, Pagmamahal sa Bayan’’, sa pangunguna ng Christian Heritage Academy. Dumalo sa mahalagang okasyong ito ang ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino kasama sina Kons.Amelie Peñamante, Kons.Amanda Sharon D. Domingo at mga opisyal at empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Real, gayundin ang mga kinatawan ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan.
Nagbigay ng mensahe ang ating Panauhing Tagapagsalita na si Ginoong Dennes R. Lagrimas. Sa kanyang mensahe ay ginunita niya ang mga nagawa ni Dr. Jose P. Rizal para sa bansa at ang pag-alay nito ng sariling buhay para sa Kalayaan.
Nag-alay din ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal ang Lokal na Pamahlaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan at Christian Heritage Academy sa pangunguna ni Gng. Virgie De Leon. Ang pagdiriwang ay sa bisa ng RA 345 (Feb. 1, 1902) ay opisyal na idineklara ang bawat ika-30 ng Disyembre bilang Rizal Day, isang National Holiday.
Nawa ay pakatandaan natin ang mga aral at ambag na naibigay ni Dr. Jose Rizal sa bayan. Mula sa ating pagbabalik-tanaw, unuwain natin ang kahalagahan ni Rizal sa kasaysayan ng ating bansa. Nawa’y ang kanyang kabayanihan ay maging inspirasyon sa bawat isa sa atin na gawin ang mga bagay nang matuwid at para sa kapakanan ng ating kapwa at ng bayan.
#RizalDay2022
#GodBlessReal
#AksyonDiretso