Skip to main content

1ST QUARTERLY JOINT ORGANIZATIONAL MEETING

Ginanap ang 1st Quarterly Joint Meeting ng Local Health Board, Q1K Council at Municipal Nutrition Council kung saan ipinahayag dito ang pagkakaroon ng Supplementary Feeding Program sa ating bayan. Tinalakay sa pagpupulong ang mga update para sa Geographically Isolated and Disadvantage Areas (GIGA), Updates para naman sa Human Resources for Health (HRH) at update para sa bagong Rural Health Units. Layunin ng pagpupulong na ito ang makabuo ng isang programa kasama ang iba’t ibang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalusugan ng ating mga kababayan at malaman ang estado ng kanilang nutrisyon. Personal na dinaluhan ni Mayor Bing Diestro-Aquino ang nasabing pagpupulong at ito ay pinangasiwaan nina Q1K Coordinator Marina E. Eslabra, Nurse III Maria Divina Villasis, MNAO/ Nutritionist Dietitian Roxan Marie E. Revellame, Nutrition Staff Claire G Gonzales sa pangunguna ni MHO Dra. Maricris Marquita-Uy.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
« of 2 »
Official Website of Municipality of Real
error: