Sa pamamagitan ng tradisyonal na pagtataas ng bandila ay pinasimulan ang isang linggong paggawa ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna Bureau of Internal Revenue.
Sa mensahe ni Mayor Bing Diestro-Aquino sa umagang ito, ipinaalaala niya sa lahat na maging matibay. Aniya, it’s good to step back kapag may nangyayari sa buhay, mag-contemplate, mag-meditate, mag-renavigate.
Sinabi pa niya na sa nakaraang linggong wala na ang kaniyang ama, tiningnan niya kung ano ang mga pagbabagong gagawin at mga mangyayari. May mga taong naitalaga na sa mga bagay na nailapit na sa kaniyang ama, matapos niya itong i-revalidate.
Aniya, “Let us grieve together. Iiyak natin. Malungkot tayo, but let us not equate grief with incapacity. Huwag nating itugma ang kalungkutan natin sa kapasidad natin bilang mga pinuno, bilang empleyado at manggagawa dito sa pamahalaan bayan. Ang tatay ko kung nakakaimik lang ngayong flag ceremony, sige malungkot kayo pero magtrabaho kayo, sige malungkot kayo pero gamitin ninyo ang inyong lakas at inyong talino at inyong galing para bayan ng Real.”
Inulit pa niya na huwag isipin na dahil tayo ay nawalan, hindi ibig sabihin ay nawalan na rin tayo ng kapasidad. Tayo ang pinili pa ng Diyos na manatili kaya alisin na natin sa isip natin na hindi na kaya.
Binanggit din niya, ayon sa World Health Orgaization, ang average lifespan ng lalaki ay 66.2 ‘yong age at ang babae ay female 72.6. Top 10 ang coronary heart disease, stroke, pneumonia, lung disease, tuberculosis, diabetes, kidney, hypertension, breast cancer, asthma. Aniya, ano ang gagawin natin kung ganito ang buhay ? Tayo po ba malulungkot na lang nang malulungkot? Tayo po ba ay titigil na sa buhay natin, mamamatay din naman tayo? Kaniyang ibinahagi ang napakinggan niyang sinabi sa isanh online Sunday Service kung saan binanggit ang sinabi ni Aiden Wilson Tozer na “Time is a resource that is non-renewable and non-transferable. You cannot store it, slow it up, hold it up, divide it up or give it up. You can’t hoard it up or save it for a rainy day—when it’s lost it is unrecoverable. When you kill time, remember that it has no resurrection.”
“Ngayong nagising tayo,” aniya pa, “‘yong tatay ko nong March 29 hindi na siya nagising, pero tayo nagising ngayon. Ang tanong, anong gagawin natin ngayon? Itsitsismis ba natin ang mga katrabaho natin? Maiinggit ba tayo sa isang tao? Titingnan ba natin yong mali ng iba pero ‘yong mali natin hindi natin makita? O pipiliin natin na, Aba Mayor ako ngayon, anong gagawin ko? Aba, konsehal ako ngayon anong gagawin ko? Ina ako, anak, apo, kapatid ako…”
Kaniyang pinayuhan ang lahat na unahin ang mahahalagang bagay sa buhay. Gaya ng pagkakahalintulad sa isang clear na jar na nabanggit din sa nasabing online church service na kapag inunang ilagay sa loob ang mga sand at pebbles, hindi na magkakasya ang mga malalaking bato dito. Kung kaya’t dapat unahin ang malalaking bato na ipasok sa jar, kasunod yong maliliit na bato at sand, magkakasya lahat.
Sinabi rin niyang seryosohin ang COVID. Minsan ay may nakikita pa rin siyang mga post sa Facebook hindi pa rin naniniwala, isang taon na mahigit ang dami na namatay, hindi pa rin naniniwala. Ipinararating niyang doble ang magiging effort sa pagmonitor sa mga establishments at gatherings.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines