
Abril 19, 2021 | Pagtataas ng Bandila
Pinasimulan ang isang linggong paggawa ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng tradisyonal na pagtataas ng bandila sa pangunguna ng Municipal Budget Office.
Sa mensahe ni Mayor Bing Diestro-Aquino, binanggit niya na bukas ay nasa Lucena sila para sa Oath Taking ng kaniyang Tita Adie. Dahil punung-puno ang kaniyang schedule, hiniling niya sa lahat na maging mas masigasig. Ayon sa kaniya, kung may napapansing mga bagay na baka nakakaligtaan niya, maaari itong personal na ilapit sa kaniya. Sinabi pa niyang naa-appreciate niya assistance, ang sincerity na maging kaagapay niya .
Ayon pa sa kaniya, ipinapalangin niya ang patuloy pang magkaisa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan lalo na ngayong wala na ang kaniyang ama. Na napakahalagang kung gaano kabilis dati ay ganoon din dapat kabilis o puwedeng mas mabilis pa sa mga darating na buwan.
Ibinahagi rin niya ang humbling quote na naishare sa church service ni Ptr. Joby Soriano na nagsasabing “The Lord didn’t design you and me to perform the role only He is capable of doing.” Sinabi niyang minsan we act like God o siya bilang Punong Bayan dahil sa kaniyang power and authority na gawin ang mga bagay.
Susog pa ni Mayor Bing, “It’s a good reminder to always check on God’s will. Lord tama ba ito? Lord ikalulugod Mo ba ito? Sometimes we want things the other way around, Lord ibalik mo si Daddy, Lord ibalik mo kapatid ko. But we cannot perform, He gives and takes away, He gives life and He takes away. So we cannot perform what God can perform. So ang message po sa atin ngayon is to always always always submit to God, because what our position in life is, ikaw man ay simpleng, sinasabi nila…wag nyo pong sabihin na job order lang, sa totoo lang pagka joborder is a lang, naku hindi natin alam may mga mabibigat na trabaho na sila talaga ‘yong gumagawa. So job order, casual, permanent, elected, coterminous, lahat po tayo may kanya-kanyang papel, pero sa tingin n’yo simple, pero kung anuman ‘yong ating ginagawa po ngayon i-submit po natin sa Diyos. Iyon ang parating reminder, again uulitin ko “The Lord didn’t design us to perform the role that He is only capable of doing.” So may Diyos, hindi pwedeng tayo ang Diyos ng mga sarili po natin. ‘Pag tayo po naging diyos ng sarili natin sigurado hindi iyon ang kalooban ng Diyos, magkakamali at magkakamali po tayo. So let this be a reminder that God is with us, wala tayong maitatago… lahat sa Diyos. Magsusulit din po tayo lahat. So wherever we are, si Jenra SK ngayon, Tita Lea pinakamatibay, Tita Mimi, Konsehala Janet na parating naka-dress, si Kons. Raffy, kanya kanya kayo ng galing, Vice Pipoy, Renmar kanya-kanya po tayo ng husay, kanya-kanya tayo ng talento si PLB, kanya-kanya tayo ng parte. Kaya let’s do our best share , ‘yon lang. Good morning and I’m happy to be your Mayor in this period… God bless.”
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso