Skip to main content

Abril 22, 2021 | EARTH DAY 2021 “Restore our Earth”

Ang pagdiriwang ng Earth Day 2021 ay nakatuon sa pagpapanumbalik ng mga ecosystem ng mundo sa pamamagitan ng natural na proseso. Kasama dito ang suporta ng lokal na pamayanan na siyang tahasang apektado ng lumalalang isyu sa kapaligiran.
Sa temang “Restore Our Earth,” nagbigay ng atas ang ating butihing Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino na naghihimok sa lahat na makiisa sa pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng malawakang clean up drive na isinagawa sa Bayan ng Real.
Sa pangunguna ni MENRO Bryan E. Potestades, nakiisa ang mga opisyal ng Barangay Poblacion 1, Barangay Ungos, Poblacion 61, Barangay Cawayan, Barangay Kiloloron, Barangay Capalong, Barangay Tignoan at nakibahagi ang PNP, BFP, PCG, Real Volunteer para sa Kalikasan. Tumugon din ang ilang mga residente na nagsipaglinis sa kapaligiran at lansangan ng kanilang barangay.
Nawa’y ang ganitong malasakit sa ating mundo ay maging gawi na ng bawat Realeño at ng mga nagiging bisita ng ating bayan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Latest Articles

World Tourism Month 2023

LGU Family Day

Official Website of Municipality of Real
error: