
Abril 26, 2021 | Pagtataas ng Bandila
Ang Municipal Registry Office ang siyang nanguna sa programa ng pagtataas ng bandila.
Inilahad ni Mayor Bing Diestro-Aquino ang mga makabuluhang nangyari noong nakaraang linggo. Gaya ng panunumpa ni Kons. Amanda Sharon D. Domingo sa kaniyang katungkulan sa harap ng ating minamahal na Gob. Danny E. Suarez. Sinabi rin nyang pumanaw ang kaniyang biyenang babae noong nakaraang Martes. Ibinahagi niyang dahil sa pagkakasunud-sunod ng pagkawala ng mga mahal nila sa buhay ay hindi na niya malaman kung ano ang magiging reaction. Aniya, ang naiisip na la niya ay ang magsolusyon, magsolusyon, magsolusyon…
Aniya, ang pinakamaganda sa ganitong pagkakataon, you’re able to see the beauty within darkness.
Ang pinaka magandang nakikita sa mga ganitong pagkakataon ay ‘yong pagmamahal ng pamilya. Family is very important, especially at these times. Sa kaliwa’t-kanang namamatay, na walang pinipiling edad, naging doble ang mortality lalo na sa pagpasok ng 2021. Sinabi niyang siya ay hindi nananakot, pero naging saksing buhay siya kung paano naghirap ang kaniyang biyenan ng dahil sa COVID. Sobrang mabilis ang pangyayari, after 2 days ay binigyan ng tocilizumab na no’ng i-search niya ay para sa extreme case of inflammation, sa throat at sa lungs. Hindi kagaya no’ng kay rainier na gamot sa COVID na pang severe. Talagang mas matindiang tocilizumab. Aniya pa, umabot sa punto na pinaka nakakalungkot dahil nagkaroon ng siya ng fibrosis, nagkaroon na ng scars ‘yong lungs at para sa isang 77 years old to have experience that, ‘yong recovery period ay talagang mas mahirap kumpara sa iba. Sinabi niyang, sa Monday morning ay nais niyang maging masaya ang lahat pero kalimutan na nasa gitna pa rin tayo ng pandemya at hinimok na patuloy na manalangin.
Ikinuwento niya ang sinabi ni Governor Danny sa kaniya na “Bing for a 78 yr old man who has witness deaths of love ones and friends for so many times… Bing, take it slow and don’t be too hard on yourself.” Sinabi niyang simula nang mamamatay si Vice Mayor Joel ay palagian siyang kinukumusta ni Gov. Danny at para siyang nagkaroon ng isa pang tatay. Those are things that make you survive during these trying times, family and friends and hardworking co-workers.
Binanggit niya rin ang mga kasalukuyang issues and concerns at isa dito ay ang pambayang patubig. Tuluy-tuloy ang gawain para sa bagong patubig at kasabay din ng paggawa ng solusyon sa problema sa patubig sa Cawayan at Ungos dahil may natibag.
Ipinaalala niya ang mahigpit na pagsunod sa protocol. Aniya ay aminin kung masama ang pakiramdam, hindi na dapat nakikihalubilo at maling ang maging kaisipan ay kaya pa naman dahil paano naman ang mga mahahawahan. Sinabi niyang kapag alam na masama ang pakiramdam ay magpa-antigen test na.
Malaki ang paniniwala niya na magiging very effective legislator, councilor si Coun. Adie. Sabi niyang bagama’t wala na ang kaniyang ama ay patuloy pa ring magsama-sama ang Sangguniang Bayan gaya ng samahan dati.
Ipinakilala niya ang kaniyang bagong Executive Assistant na si Ms. Jocelyn Andrea D. Diestro, kaniyang hipag. Aniya, bagama’t unang beses nito sa gobyerno, alam niyang magagampanan nito ng maayos ang kaniyang tungkulin dahil sa labing tatlong taon nito sa Emirates Airlines, na may managerial at supervisory level, mataas ang kaniyang trust and confidence dito.
Binanggit din niya na ang bisikleta ay hiniling ng dating hepe at ngayon ay mapakikinabangan bilang bike patrol ng mga kapulisan sa pangunguna ni Hepe Wennie Tayactac.
Sa huli ay sinabi niyang gumawa ng gumawa, magtrabaho ng magtrabaho, huwag mang-aaway ng katrabaho dahil maiksi lang ang buhay at may mga bagay na nangyayari ng di-inaasahan. Magtrabaho at huwag magkulang sa nakatalagang tungkulin at huwag sumakop sa papel ng iba. Ipinaalaala rin niyang huwag mandaya ng attendance, sa biometrics at sa field work.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso