Nakipagpulong ang ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino para sa Upgrade and Electrification ng Globe Cell Sites kina G. Paul Bautista ng Globe Telecomm, Bb. Anne Manze Pantoja at Bb. Joan Jaime Basal ng GM Maningas Construction Inc. (GMMCI).
Ang upgrade na isasagawa sa Globe Cell Site sa Barangay Llavac ay upang mapalawak at mapaunlad ang kanilang serbisyo. Hiniling din ng ating Punong Bayan na kung maaari ay magkaroon din ng cell site sa MALUPA area para sa ating mga kababayan at sa mga nagiging bisita sa lugar na ito.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines