Abril 30, 2021 | TURNOVER OF FIBERGLASS BOAT ENGINE AND ACCESSORIES

Sa pagkakaisa at pagtutulungan nina Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino at ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Ronald P. Isidro, Kons. Raffy Morfe- Chairperson, Committee on Social Services kasama ang iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan, katuwang ang Municipal Agriculture Office sa katauhan ni Ms. Filomena R. Azogue-Senior Agriculturist at ang Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni MSWDO Leo James Portales, ay matagumpay na nakapamahagi ng mga fiberglass boat engines at mga accessories nito.
Ipinagkaloob ang mga ito sa may kabuuang 79 na benepisyaryo kung saan 14 ay mula sa Barangay Cawayan, 28 sa Barangay Poblacion 1, 11 sa Barangay Poblacion 61 at 26 sa Barangay Ungos. Sila ang mga participants na sumailalim sa pagsasanay ng labing-limang (15) araw sa FIBER GLASS BOAT FABRICATION.
Ito ay nagmula sa pondo ng ating Lokal na Pamahalaan. Ibinilin naman ni Mayor Bing at ng kaniyang mga kasamahan na gamitin, ingatan, alagaan at pagyamanin ang mga biyayang natatanggap, at ingatan at panatilihin ang kalinisan ng ating karagatan dahil dito kumukuha ng ikinabububay.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 1 9 9 9
Users Today : 52
Users Yesterday : 44
Users This Month : 645
Users This Year : 11998
Total Users : 11999
Views Today : 106
Views Yesterday : 83

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: