
Abril 30, 2021 | TURNOVER OF FIBERGLASS BOAT ENGINE AND ACCESSORIES
Sa pagkakaisa at pagtutulungan nina Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino at ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Ronald P. Isidro, Kons. Raffy Morfe- Chairperson, Committee on Social Services kasama ang iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan, katuwang ang Municipal Agriculture Office sa katauhan ni Ms. Filomena R. Azogue-Senior Agriculturist at ang Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni MSWDO Leo James Portales, ay matagumpay na nakapamahagi ng mga fiberglass boat engines at mga accessories nito.
Ipinagkaloob ang mga ito sa may kabuuang 70 na benepisyaryo kung saan 4 ay mula sa Barangay Capalong, 25 sa Barangay Kiloloron, at 41 sa Barangay Tignoan. Sila ang mga participants na sumailalim sa pagsasanay ng labing-limang (15) araw sa FIBER GLASS BOAT FABRICATION.
Ito ay nagmula sa pondo ng ating Lokal na Pamahalaan. Ibinilin naman ni Mayor Bing at ng kaniyang mga kasamahan na gamitin, ingatan, alagaan at pagyamanin ang mga biyayang natatanggap, at ingatan at panatilihin ang kalinisan ng ating karagatan dahil dito kumukuha ng ikinabububay.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso