Agosto 12, 2021 | Liga nga Barangay Monthly Meeting with Real Wind

Nagkaroon ng pagpupulong ang Liga ng mga Barangay kasama ang mga kinatawan ng Real Wind Energy Inc. (RWEI) na sina G. Mark Alburo-President, G. Hilario M. Mergano at G. Carlo S. Magno upang ipakita ang Real Wind LGU CSR presentation. Dito’y tinalakay nila ang pangkalahatang ideya ng proyekto, lokasyon ng proyekto, layout ang proyekto, at ang magiging benepisyo nito sa ating bayan. Kasama sa nabanggit na natukoy na mga barangay na paglalagyan ng Meteorological Masts (Met Masts) ay ang mga Barangay ng Tagumpay, Tanauan, Masikap, Pandan, Tignoan, Maragondon, Maunlad at Malapad.
Ang presentasyon ay dinaluhan nina EnP Rommel A. Poblete-MPDC, MLGOO Ann Maureen D. Gumboc, at labinlimang Barangay sa pangunguna ni PPLB Madelyn M. Diestro.
Kasunod nito nagpakilala rin ang mga kinatawan ng DSWD Region IV-A CALABARZON na sina Noel D. Aquino-Area Coordinator, Alden Cabral – Technician Facilitator, Bb. Isha Rea Claveria, G. Alfredo C. Marciano Jr. G. Mark Anthony Paras, Bb. Melinda I. Lepiten, bilang mga Community Empowerment Facilitators ng KALAHI CIDSS na ini-assign sa mga barangay.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 5 7 8
Users Today : 53
Users Yesterday : 74
Users This Month : 1224
Users This Year : 12577
Total Users : 12578
Views Today : 72
Views Yesterday : 182

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: