Agosto 13, 2021 | SEMINAR ON ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT AND ENVIRONMENTAL LAWS

Sa pangunguna ni MENRO Bryan E. Potestades ipinagpatuloy muli ang pagsusulong ng Lokal na Pamahalaan sa tama at naaayon sa batas na Solid Waste Management sa ating bayan, isang seminar ang isinagawa na naglalayong mapalalim pa ang kaalaman ng mga dumalo tungkol sa tamang proseso ng pagtatapon at pagkolekta ng mga basurang panapon, pwedeng i-recycle at mga maari magamit muli. Gayundin ang mga ipinagbabawal gawin sa mga basura gaya ng pagsusunog nito at iba pa at makuntrol ang pag-angkat ng mga produktong mahirap ng ma-recycle o magamit muli.
Ang pagsasanay ay dinaluhan ng mga market vendor, grocery owner, utitlity, pangulo ng hurnal, tricycle operator at officer at may-ari ng mga bangka at naging katuwang si Bb. Ailleen B. Flaviano ng Solid Waste Enforcer and Educators Team (SWEET-EnMO)/DENR-EMB (Environmental Management Bureau) na tumalakay sa mga sumusunod:
* PD 1586 “The Environmental Impact Statement System (EIS) Law, 1978”
* RA 8749 “The Philippine Clean Air Act of 1999”
* RA 2975 “The Philippine Clean Water Act of 2004”
* RA 6969 “Toxic Chemical and Hazardous Waste Act 1990”
* RA 9003 “The Ecological Solid Waste Management Act of 2000”
Tinalakay naman ni G. Anthony L. Empamano-Environmental Management Specialist I ang mga sumusunod:
• Isang Kautusang Bayan na Nagtatakda ng Komprehensibong Pamamahala ng mga Solidong Basura sa Byan ng Real
• Isang Kautusang Bayan na Nagtatakda ng mga Regulasyon Paggamit o Pagtitinda ng Anumang Uri ng Plastik at Styrofoam bilang Pambalot at Nagpapatupad ng Paggamit ng mga Nabubulok na Sisidlan o Lalagyan sa Bayan ng Real, Quezon.
Dumalo din ang Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino at Kons. Janette R. Santiago bilang mga panauhin sa nasabing seminar.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 0 0 1
Users Today : 54
Users Yesterday : 44
Users This Month : 647
Users This Year : 12000
Total Users : 12001
Views Today : 110
Views Yesterday : 83

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: