Isinagawa ang Cash for Work Orientation sa 15 benepisyaryo na mula sa Barangay Tanauan sa ilalim ng Risk Resiliency Program Climate Change Adaptation and Mitigation program ng Department of Social Welfare and Development.
Ang nasabing cash for work program ay naglalayong mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga mamamayan sa loob ng sampung araw sa kanilang barangay habang nagsasagawa ng mga proyekto patungkol sa climate change adaptation. Ito ay sa pakikipagtuwang ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office in parthership with Haribon Foundation (Forest For Life Project).
Ito ay sa inisyatiba ng ating Punong Bayan Daina Abigail D. Aquino kasama ang Sangguniang Bayan Members upang matulungan ang mga kababayan nating nawalan ng pagkakakitaan sa panahon ng pandemya.
Pinangasiwaan ito ng Municpal Social Welfare and Development Office sa pamamahala ni MSWDO Leo James M. Portales na kinatawanan ni G. Rodel Olea- Administrative Aide I, katuwang si Bb. Nova Regalario-Conservation Specialist ng Haribon Foundation.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines