Skip to main content

Agosto 16, 2021 | Cash for Work Orientation

Isinagawa ang Cash for Work Orientation sa 10 benepisyaryo na mula sa Barangay Llavac, 10 benepisyaryo na mula sa Barangay Maragondo, 10 benepisyaryo na mula sa Sitio Little Baguio, 15 benepisyaryo na mula sa Barangay Lubayat, 10 benepisyaryo na mula sa Barangay Pandan at 6 benepisyaryo na mula sa Barangay Malapad sa ilalim ng Risk Resiliency Program Climate Change Adaptation and Mitigation program ng Department of Social Welfare and Development.
Ang nasabing cash for work program ay naglalayong mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga mamamayan sa loob ng sampung araw sa kanilang barangay habang nagsasagawa ng mga proyekto patungkol sa climate change adaptation.
Ito ay sa inisyatiba ng ating Punong Bayan Daina Abigail D. Aquino kasama ang Sangguniang Bayan Members upang matulungan ang mga kababayan nating nawalan ng pagkakakitaan sa panahon ng pandemya.
Pinangasiwaan ito ng Municpal Social Welfare and Development Office sa pamamahala ni MSWDO Leo James M. Portales na kinatawanan ni G. Rodel Olea- Administrative Aide I at Jennifer M. Dela Cruz, BAKTOM Real Organizational President/ MSWDO Houseparent.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Official Website of Municipality of Real
error: