
Agosto 16, 2021 | Pagtataas ng Bandila
Sa pamamagitan ng tradisyunal na pagtataas ng bandila ay sinimulan ang isang linggong paggawa ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Municipal Treasury Office.
Dr. Maricris M. Uy – Municipal Health Officer:
1. Ang nabakunahan na ay 3,042 na kung saan 1,273 ang naka first dose at ang fully vaccinated ay 1,769;
2. Ang available na vaccine ay Sinovac, patuloy din ipinaglalaban ng RHU na ang Quezon ay makapag-inoculate na sa A4. Isinasaayos lahat kung paano unti-unti matatapos at maprioritize sa A4 ang lahat lokal at nasyonal na empleyado ng gobyerno ganundin ang mga uniformed personnel;
3. Ang lahat ng magpapalista ay sa respective health station magpalista. At dun kumukuha ng priority list natin para mabakunahan. Ang magiging regular na pagbabakuna ay Huwebes at Biyernes sa kadahilanang ang Martes ay araw ng buntis at Miyerkules ay sa mga sanggol;
4. Mayroon tayong Delta case, isang OFW na taga Poblacion 1. Ayon sa protocol July 21 siya ay na-swab lumabas ang result niya July 26 at July 27 nag-start ng quarantine. Merong certificate mula sa Bureau of Quarantine na siya ay Recovered. Pero tumawag ang probinsiya at ipinadiretso sa Isolation Facility at uulitin ang swab bukas.
G. Winifredo G. Camiligan Jr.- Agriculturist Technologist:
1. May kinalaman sa African Swine Fever na unang naireport noong nakaraang Lunes.
2. Noong August 6 nai-release ang result ng laboratory ng Regional Disease Diagnostic Laboratory, Lipa City, Batangas, isa sa hog racer ay naapektuhan at umabot sa labintatlong ulo ng baboy ang namatay simula July 27 to August 5, 2021.
3. Sabado ay nagkaroon ng meeting sa barangay at bumuo ng Monitoring and Surveillance Team. Isang 500 m radius, 1 km radius at 7 km radius ang iniimbestigahan kung gaano na kalawak yong infection.
4. Sa unang kaso ay may 13 heads at total 20 heads na ang apektado. August 11 ay nagkaroon ng blood sampling sa tulong ng Office of the Provincial Veterinarian doon sa 1 at 7 km. August 13 ay lumabas ang resulta at nakakalungkot na may 2nd, 3rd, 4th , 5th na kaso ng ASF.
5. Tatlong (3) kaso sa Barangay Cawayan at isang (1) kaso sa Barangay Malapad. Ang apektado sa Brgy. Cawayan ay labing-anim (16) na mag-aalaga ng baboy na may kabuuang 92 na baboy. Sa Brgy. Malapad ay 22 hog raiser ang apektado at 93 na baboy ang apektado.
6. Nakapag-identify na ng burial site na pagbabaunan ng papataying baboy.
7. Paalala na ang sanhi ng African Swine Fever ay hindi airborne.
Ito sa pagkain ng kuntamenadong pagkain ng mga alagang baboy. Hindi ini-encourage ang pagpapakain ng lino o tirang pagkain. Nakukuha sa kuntamenadong gamit tulad ng syringe, pala at kakulangan sa pagpapatupad ng biosecurity. Ang mga sintomas nito ay mataas na lagnat, pagdudumi, panghihina ng katawan, mapupula at pagkasugat ng balat, pagkawala ng ganang kumain, kahirapan sa paghinga, pagsusuka at pag-uubo.
8. Ugaliing magreport dahil isa ito sa hindi nagagawa ng hog raiser.
9. Parating ang Bureau of Animal Industry ngayong araw. At ngayong Martes ay magkakaroon ng pagkukulekta ng dugo sa cluster ng Llavac, Maragondon, Tanauan, Lubayat at Pandan dahil apektado ang Malapad.
10. Sa August 18 po ay magischedule ng depopulation.
Halig Punong Bayan Ronald P. Isidro – Nagbalita sa mga activities at meeting ng Sangguniang Bayan. Isa na dito ang Committee on Rules sa pangunguna ni Kons. Raffy M. Morfe, pagkakaroon ng quarantine protocols sa pangunguna ni Kons. Amanda Sharon D. Domingo, isang Resolution para sa supplemental budget sa pangunguna ni Kons. Janette R. Santiago.
Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino
1. Sa kaso ng ASF, nagbigay ng direksyon kung ano ang gagawin sa pamamagitan ng mga tanggapan at ahensya upang matulungan ang mga apektadong hog raiser.
2. Nagpasalamat sa Sangguniang Bayan sa mga aksyong ginawa sa draft ordinance na pinagtuwangan ng ibat-ibang staff at ngayon ay nasa level na ng Sangguniang Bayan.
3. May mga natataggap na report na may mga pakalat-kalat na mga bata beyond 10pm.
4. Ang Peace and Order and Public Safety Caravan ay sa Setyembre na itutuloy. Kung maging successful ay magkaroon ng ordinace na taun-taon na gagawin.
5. Mayroong water filtration station sa may police station, hindi iku-compete ang ibang water station at ang priority ay mahihirap na may mga sanggol pero kinakailangang magkaroon ng ordinance bago ito mag-operate.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso