Isandaan at limang kabataan (105) na mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES), na magkatuwang na programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Lokal na Pamahalaan, ang tumanggap ng kanilang animnapung porsyentong (60%) sahod na mula sa counterpart ng Lokal na Pamahalaan sa kanilang ginugol na 20 araw na pagtatrabaho sa pamahalaang bayan.
Sa pamamagitan nito ay nagiging tuluy-tuloy o sustenable ang tulong na naipapaabot ng pamahalaan upang higit na matulungan ang mga kabataang ito sa kanilang pag-aaral. Sila ang mga napabilang sa isinagawang pagsusulit na pinangasiwaan ng team ni PSDS Luzviminda T. Buerano ng DepEd Real District na kinabibilangan ng pampubliko at pampribadong mga guro.
Ang nasabing payout ay dinaluhan ni Mayor Bing Diestro-Aquino kasama ang Sangguniang Bayan members sa pangunguna ni Vice Mayor Ronald P. Isidro at ng ating PESO Manager na si G. Ildefonso A. Cleofas, Jr.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines