Agosto 20, 2021 | Peace and Order and Public Safety (POPS) Caravan Planning Meeting

Dahil sa pagbabago ng quarantine classification ng ating bayan at ng iba pang bayan na nakasasakop sa ilang ahensyang katuwang, naantala ang nakaplanong pagsasagawa ng POPS Caravan na alinsunod sa inilabas na Executive Order No. 17 Series of 2021 ni Mayor Bing Diestro-Aquino.
Kaugnay nito, nagpatawag ang ating Punong Bayan ng isang pagpupulong na pinangasiwaan ni Municipal Administrator Filomena M. Portales upang muling ikasa ang aktibidad na ito at planong sa Setyembre 20 hanggang Oktubre 1, 2021 ito gaganapin.
Kaisa si MLGOO Ann Maureen D. Gumboc, Real MPS, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Fourth Platoon, MARINA, , Traffic Enforcers, Philippine Army, BFAR, TESDA, SK Federation, Liga ng mga Barangay, BakTom, Transport Group, mga tanggapan ng pamahalaang bayan, naging matagumpay ang ginawang pagpupulong. Ito ay dinaluhan din nina Halig Punong Bayan Ronald P. Isidro, Kons. Raffy M. Morfe, PPSK Jenra D. Asis na nangako ng buong suporta sa aktibidad na ito.
Ilan sa iba pang makakatuwang sa paghahatid ng serbisyong ito maliban sa mga nabanggit ay ang DOLE, LTO, PNP (LTOPF), TESDA, Pamahalaang Panlalawigan at iba pa.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 1 9 8 4
Users Today : 37
Users Yesterday : 44
Users This Month : 630
Users This Year : 11983
Total Users : 11984
Views Today : 70
Views Yesterday : 83

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: