Skip to main content

Agosto 28, 2021 | Turnover of Livelihood and Farming Supplies

Mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Danilo E. Suarez, na kinatawanan ni Ms. Leona Paola Lopez, Chairperson ng LGBTQA+ Quezon Province Pride, ibinigay ang livelihood at farming supplies sa grupo ng BakTom LGBT Real Organization- MaLuPa Cluster bilang tugon sa kanilang kahilingan. Ang mga ito ay malugod tinanggap ng Presidente na si Teodoro Buiza.
Nagkaroon din ng presentasyon patungkol sa samahan ng Quezon Provincial Pride at tinalakay ang kahalagahan at pagtutulungan ng samahan.
Lubos ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Bing Diestro-Aquino na kinatawanan ni MSWDO Leo James M. Portales. Gayundin ang Pangulo ng BakTom na si Jennifer Dela Cruz.
Dinaluhan din ito nina Kons. Amanda Sharon D. Domingo, , Administrative Officer I Ejeel V. Regado, G. Emman Nasayao – Baktom Upland President at ang newly elected PNP Task Force LGBTQA+ Sector Secretary from BakTom Real of Quezon Provincial Pride.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Official Website of Municipality of Real
error: