Agosto 30, 2021 | FLAG RAISING CEREMONY IN CELEBRATION OF NATIONAL HEROES’ DAY

Agosto 30, 2021 | FLAG RAISING CEREMONY IN CELEBRATION OF NATIONAL HEROES’ DAY
Sa pangunguna ng Municipal Accounting Office ay isinagawa ang pagtataas ng bandila bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Heroes’ Day na may temang KABAYANIHAN NG BAWAT PILIPINO, SUSI SA TAGUMPAY AT PAGKAMAKATAO, kasama ang ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino, Halig Punong Bayan Ronald P. Isidro, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga pinuno ng tanggapan.
Nagpaabot ng mensahe ang ating Halig Punong Bayan at hinikayat niya ang bawat isa na lahat tayo ay magkaisa ng mas mapaunlad pa ang ating bayan, sapagkat sa bawat pagkakaisa natin ay makakamtan natin ang masaganang bayan at matagumpay na bayan. Sinabi rin niya na “sa pagkakaisa ng bawat Realeño laban sa pandemya at pagtupad sa tungkulin ay isang maituturing natin na bayani, muli po lagi nating isabuhay ang mga nagawa ng ating mga bayani”.
Nagbigay din ng pagbati at mensahe ang ating Punong Bayan kaugnay sa selebrasyon ng National Heroes’ Day, kung saan ibinahagi niya ang pagkakapare-pareho ng ating mga bayani na maari nating tularan at i-apply sa ating panahon ngayon. “They are truly sincere in their intentions even up to the point of death, they’re truly sincere to their intentions even it will cause their death, they’re truly sincere to their intentions even if it takes a lot of sacrifice, they’re truly sincere to their intentions even if it leads us beyond our comfort zones.” Nag-iwan din siya ng tanong sa bawat-isa, na sa kasalukuyang panahon “What is my/your sincere intention and what is my/your mission?” Sinabi pa niya na “it takes a lot of strength and courage to answer that”, at ayon sa kaniya, “my mission and my intetion is to serve this town even up to the point of my death, even beyond my comfort zone.”
RealeñoDisiplinado
RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 1 9 9 9
Users Today : 52
Users Yesterday : 44
Users This Month : 645
Users This Year : 11998
Total Users : 11999
Views Today : 106
Views Yesterday : 83

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: