Skip to main content

Agosto 31, 2021 | Meeting and Update Regarding African Swine Fever (ASF) and Other Concerns

Agosto 31, 2021 | Meeting and Update Regarding African Swine Fever (ASF) and Other Concerns with Butchers, Meat Dealers and Hog Raisers
Nagkaroon ng pagpupulong patungkol sa update ng African Swine Fever (ASF)at ilang concerns sa mga butchers, meat dealers at hog raisers. Ito ay pinangunahan ni Municipal Agriculturist Evangeline F. Paril kasama sina G. Lemuel O. Azogue at Winifredo Camaligan Jr. na kapwa Agricultural Technologists at Kons. Noime L. Azcarraga bilang Chairperson sa Committee on Agriculture.
Tinalakay dito ang mga sumusunod:
1. Kahilingan ng mga magbababoy na unahin sa Pambayang katayan (Slaughterhouse) ang mga baboy na magmumula sa alinmang barangay sa bayan ng Real.
2. Presyo ng buhay na baboy (liveweight per kilo)
3. Pagpaparehistro sa RSBSA
4. Panuntunan sa pagbuo ng Clustering ng mga barangay
5. Update patungkol sa African Swine Fever o ASF
6. Iba pang pag-uusapan
Napagpasyahan dito na magkaroon ang ating Punong Bayan ng Executive Order na nagbabawal ng pagkuha sa ibang bayan gaya ng Polillo, Burdeos, Panukulan, Patnanungan at Jomalig. At ang magiging presyo dito sa ating bayan ng buhay na baboy ay 170 pesos (liveweight per kilo).
Dinaluhan ito ng ilang butchers, meat dealers at hog raisers na mula sa Barangay Lubayat, Malapad, Pandan, Tignoan, Tanauan, Poblacion 1, at Cawayan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Official Website of Municipality of Real
error: