Agosto 6, 2021 | Sangguniang Bayan (SB) Committee on Transportation Meeting

Nagkaroon ng pagpupulong ang SB Committee on Transportation sa pangunguna ni Kons. Noime L. Azcarraga bilang Chairperson. Kasama sa nasabing pagpupulong ang mga miyembro ng komitiba na sina Kons. Raffy M. Morfe, Kons. Amanda Sharon D. Domingo, Kons. Renmar A. Sollestre at Kons. Lea A. Calleja. Kanilang tinalakay ang kapasiyahan na akda ni Kons. Cherry Macasaet ng LGU Infanta na magalang na humihiling sa ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino na mapahintulutang makapaghatid ang mga tricycle na mula sa bayan ng Infanta patungo sa bayan ng Real upang magpagamot at kung mayroong emergency.
Inirekomenda ni Kons. Raffy M. Morfe na anyayahan ang SB Committee on Transportation ng Infanta kasama ang pangulo ng samahan ng TODA at hepe ng traffic sa susunod na pagpupulong.
Dinaluhan ito ng RTODA, RTTI, TRB Secretary Fe P. Coralde at Municipal Administrator Filomena M. Portales.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 2 9 4 7 0
Users Today : 143
Users Yesterday : 193
Users This Month : 336
Users This Year : 3741
Total Users : 29470
Views Today : 210
Views Yesterday : 313

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: