Agosto 9, 2021 | Pagtataas ng Bandila

Pinasimulan ang isang linggong paggawa ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng tradisyunal na pagtataas ng bandila sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office.
Nagbigay ng ulat si Municipal Administrator Filomena M. Portales sa ilang activities at meetings ng ating Punong Bayan tulad ng Zoom Meeting with Gov. Danny Suarez regarding Quezon Province Quarantine classification at IskolaRealeño Board Meeting.
Nagbalita ang ating Halig Punong Bayan Ronald sa mga activities at meeting ng Sangguniang Bayan. Isa na dito ang naipasa nilang labing-isang (11) resolusyon na ang ilan dito ay mula sa Committee on Cooperative & NGOs/POs/PS sa pangunguna ng Chairperson na si Kons. Amanda Sharon D. Domingo, Committee on Tourism sa pangunguna ng Chairperson na si PPSK Jenra D. Asis at Committee on Finance, Budget and Appropriation sa pangunguna ng Chairperson na si Kons. Janette R. Santiago. Nagkaroon din ng pagpupulong ang Committee on Transportation sa pangunguna ng Chairperson na si Kons. Noime L. Azcarraga.
Nag-ulat naman ang ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino sa ilang mga pagpupulong at kaganapan na kaniyang dinaluhan tulad ng Emergency Meeting with Quezon IATF kasabay ang meeting with Gov. Danny Suarez at Regional IATF, IskolaRealeño Board Meeting, Skills Training on Sewing; a Livelihood
Project for PWDs, Yakap ng MASIPAG Program para sa mga PWUDs, Inspection sa Nonok-Little Baguio Access Road, Turnover of air-conditioning unit sa Philippine Coast Guard at Mayors League Meeting. Ibinalita din niya na ang ating bayan ay may kaso na rin ng ASF at ipinaliwanag ni Municipal Agriculturist Evangeline F. Paril ang mga sintomas na maaring makita sa mga alagang baboy para maipagbigay-alam agad ito sa kinauukulan.
Ipinakilala din niya ang bagong Officer-In-charge Real MPS na si PCPT JERNIE JUNNE MANANGKIL MERKA at hiling niya ang buong pagsuporta nila sa Lokal na Pamahalaan at humiling din ang hepe ng pagsuporta ng Lokal na Pamahalan sa kapulisan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 5 7 8
Users Today : 53
Users Yesterday : 74
Users This Month : 1224
Users This Year : 12577
Total Users : 12578
Views Today : 72
Views Yesterday : 182

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: