ALAGANG REALEÑO KARD DISTRIBUTION

ALAGANG REALEÑO KARD DISTRIBUTION
Tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Alagang Realeño Kard o “ARK” bilang bahagi ng ating POPS CARAVAN.
Ang ARK Mastercard Prepaid Card ay programang magpapabilis at magpapadali sa pamamahagi ng mga tulong pinansyal mula sa Lokal na Pamahalaan.
Ito ay para sa mga benepisyo para sa lahat ng lehitimong pamilyang Realeño.
Mga Realeño na maaaring kumuha nito;
1. Senior Citizens
2. Head of the Household ( kada-pamilya)
3. Iskolar ng IskolaRealeño Program
Maaaring magamit ang ARK sa pag-avail ng mga sumunod:
1. Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS
2. Pa-Birthday kay Lolo at Lola
3. Localized Social Pension
4. Stipend para sa mga Iskolarealeño
5. Death Benefit o Burial Financial Assistance
6. At iba pang uri ng pinansyal na tulong mula sa lokal na Pamahalaan gaya ng Centenarian Incentive at mga ayuda gaya ng medical, disaster relief and rehabilitation assistance.
Paano mag-avail. Kung ikaw ay lehitimong Realeño, makipag-ugnayan lamang sa Tanggapan ng Punong Bayan at mag- fill up ng application form at magpasa ng mga sumusunod na requirements;
1. Voter’s ID
at alin man sa mga sumusunod
1. Cedula
2. Birth Certificate ( Real, Quezon ang nakatalang Birth of place)
3. Income Tax Return
4. Certification from MPDO na kasama ka sa Community Based Monitoring System o CBMS database.
Ang programang ito ay initiative ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino katuwang ang Sangguniang Bayan at Landbank of the Philippines LBP-Real Branch, na naglalayong gawing Mas-Mabilis, Madali at organisadong pagtanggap ng mga benepisyo ng ating mga kababayan.
Sa “ARK”, Kwalipikado ang bawat pamilyang Realeño!
#AksyonDiretso
#GodBlessReal
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 6 8 2 9
Users Today : 128
Users Yesterday : 37
Users This Month : 222
Users This Year : 16828
Total Users : 16829
Views Today : 229
Views Yesterday : 54

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: