Kung ikaw ay isang proud parent o na palaging online, siguro ay nakatuwaan mo na ang pagpost ng litrato ng iyong batang anak sa harap ng kanyang school o maging ang Sunday lunch-out ng iyong pamilya sa paborito ninyong restaurant. Malamang ay tinag mo na rin ang location kung saan kinuhaan ang litrato.
Maging maingat dahil ang tinatawag na “geolocation tags” ay magpapakita ng eksaktong address ng lokasyon, at hindi lamang ang siyudad kung saan ito nabibilang. Maaring kang mahanap ng sinuman lalo na kung shinare mo ang location sa social media at inilalagay mo sa peligro ang bata dahil maaari silang malapitan o makadaupang palad ng mga taong hindi nila kilala.
Kung kayo namang pamilya ay nakabakasyon, maaring salakayin ng mga magnanakaw o kawatan ang iyong bahay.
Paalala, isecure ang privacy ng iyong account at i-off ang location settings sa mga cellphone.
Ngayong new normal, hangad namin ang kaligtasan ng lahat online, lalo na ng mga bata. Tandaan, ligtas at lamang ang may alam!