Araw ng Kagitingan | Day of Valor

Nang bukang-liwayway ng ika-9 ng Abril taong 1942, taliwas sa utos nina Heneral Douglas MacArthur at Jonathan Wainwright, ay isinuko ni Komandante Heneral Edward P. King, Jr., pinuno ng puwersa ng Luzon sa Bataan, ang mahigit 76,000 nagugutom at nagkakasakit na mga sundalo, sa tropang Hapones.
Sinamsam ang mga pag-aari ng karamihan sa mga bilanggo ng digmaan bago sapilitang pinagmartsa sa 140 kilometro (90 milya) na tinawag na Martsa ng Kamatayan sa Bataan patungo sa Kampo ng O’Donnell sa Capas, Tarlac. Libu-libo ang namatay sa martsa dahil sa pagkauhaw, matinding init, mga tinamong sugat at pagpatay ng mga Hapon sa mga mahihina na habang naglalakad at pilit na isiniksik sa isang tren patungo sa kulungan.
Ang ibang pinalad na maisakay sa mga trak patungo sa San Fernando, Pampanga ay kinailangan ding maglakad ng karagdagang 25 na milya. Walang awang pinapalo ang mga bilanggo at kadalasan ay hindi binibigyan ng inumin at pagkain. Ang mga naiiwan ay pinapatay o iniiwan na lamang hanggang mamatay.
Ang 54,000 ng 76,000 lamang ng mga bilanggo ang nakaabot sa kanilang patutunguhan; mahirap tukuyin ang tiyak na bilang ng mga namatay sapagkat maraming mga nahuli ang nakatakas mula sa mga bantay na mga Hapon. Tinatayang may 5,000-10,000 Pilipino at 600-650 Amerikanong bilanggo ng digmaan ang namatay bago pa nila marating ang Kampo ng O’Donnell.
Source: https://tl.wikipedia.org/wiki/Araw_ng_Kagitingan
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 4 7 1 6 9
Users Today : 39
Users Yesterday : 111
Users This Month : 3888
Users This Year : 21440
Total Users : 47169
Views Today : 68
Views Yesterday : 287

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: