Araw ng mga Pambansang Bayani

Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Pambansang Bayani tuwing huling linggo ng buwan ng Agosto bilang pagbibigay-pugay sa wagas nilang pagmamahal at pagkamakabayan sa ating bansa.
Sa kasaysayan, ipinasa ng Philippine Legislature ang Araw ng mga Pambansang Bayani noong ika-28 ng Oktubre 1983 sa ilalim ng Republic Act No. 3827. Maraming mga Pilipino ang nagsumikap upang ipaglaban at makipagdigmaan sa mga dayuhan para makamit ang ating kalayaang inaasam. Tulad ni Jose Rizal na lumaban sa mga mananakop sa pamamagitan ng panitikan na kahit hindi naman talagang purong Pilipino ay kaniyang pinagsikapang ibangon ang bansang Pilipinas at harapin ang kamatayang ipinukol sa kanya. Si Andres Bonifacio, isang simpleng manggagawa na naging “Ama ng Rebolusyon”. Si Emilio Aguinaldo na naging kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas at si Melchora Aquino na kilalang “Tandang Sora” na siyang sumasaklolo upang gamutin ang mga Pilipinong sugatan sa digmaan. Gaya din nila Apolinario Mabini, Marcelo H. del Pilar, Juan Luna, Gabriella Silang, at Sultan Dipatuan Kudarat at marami pang ibang mga bayaning tila limot na natin dahil sa ating pagiging abala sa larangan ng buhay sa kasalukuyang panahon.
Napakahalaga ng araw na ito sapagkat ipinapaalala sa atin ang mga naiambag nila sa ating bayan na dapat hindi kailanman magmamaliw. Hindi mapapantayan ninuman ang kanilang katapangan at pagmamahal sa bayan na naging daan upang makamit ang kalayaan na ating ipinagpapatuloy magpahanggang ngayon. Sila’y nakibaka, sumanib sa kilusan at hindi inisip ang sariling kapanakanan upang makamit lamang ang karapatan sa sariling bayan.
Hindi lamang ang mga bayaning nakilala natin sa mga libro o mga lathalain, pati na rin ang mga bayaning Pilipino sa kasalukuyang panahon. Ang mga OFW’s, Guro, Nars, Doktor, Inhinyero at ang mga ordinaryong manggagawang Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo. Sila ay matatawag din na mga bayaning buhay sa kasalukyang panahon. Ang pagiging bayani ay hindi lamang nakikita o nasusukat sa mga titulong kanilang napagtagumpayan. Ito ay naipapamalas sa pamamagitan ng pagiging matapat, may malinis na hangarin, handang tumulong sa lahat ng walang hinihintay na kapalit at hindi iniisip ang pansariling adhikain lamang.
Maari nating maipakita ang pagiging makabayan sa simpleng pamamaraan tulad ng pagtulong sa ating pamilya at kapwa, sa komunidad o barangay, mga biktima ng trahedya o sakuna at iba pang gawaing makatutulong upang iangat ang isa’t isa. Kaya naman, isang pagpupugay ang aming inaalay sa mga pambansang bayaning nagbuwis ng kanilang buhay alang-alang sa ating Inang bayan higit kanino man. Mabuhay ang mga Bayaning Pilipino!
Source:
https://rexmolines.wordpress.com/…/araw-ng-mga…/

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 0 1 5
Users Today : 14
Users Yesterday : 54
Users This Month : 661
Users This Year : 12014
Total Users : 12015
Views Today : 44
Views Yesterday : 116

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: