Skip to main content

ARTS MONTH CELEBRATION 2024: Ani ng Sining Bayang Malikhain

Bilang selebrasyon ng buwan ng sining, matagumpay na idinaos ang dalawang (2) araw na programa na may temang “Ani ng Sining Bayang Malikhain” sa pangunguna ng Tourism Section sa pangunguna ni Senior Tourism Operations Officer Benirose Marie Talabucon katuwang si Tourism Operations Officer I Jade Luis Berin.
Layunin ng gawain na paigtingin at mas pagyamanin ang iba’t-ibang disiplina ng sining sa ating bayan.
Ang unang araw ay nagkaroon ng Painting, Declamation at Oration Contest na nilahukan ng mga estudyante mula sa iba’t-ibang paaralaan sa bayan ng Real.
Pagbati po sa mga nanalo na sina:
Painting Contest : Bracket B (Professional)
1st Place – Elvira A. Agnes
2nd Place – Nanette A. Revellame
3rd Place – Maria Fatima Ezra S. Amoin
Painting Contest : Bracket A
1st Place – Samuel G. Evardome
2nd Place – Micaela Yvonne Ordonio
3rd Place – Jovil B. Plazo
Declamation Contest
1st Place – Abcde Naveen T. Cesario
2nd Place – Von Dhemriel T. Delica
3rd Place – Kristienna Kaizen G. Musni
Oration Contest
1st Place – Jennel D. Lotino
2nd Place – Kasandra Yuki M. Eco
3rd Place – Myriah Rachelle Anne C. Leynes
Sa pangalawang araw, nagkaroon ng Tagayan Ritual Dance Workshop sa pangunguna ni Gng. Erika Grace F. Balgemino na mula sa Lubayat National Highschool. Dinaluhan ito ng ating mga Tourism Stakeholders, mga guro, at Civil Society Organizations.
Nagbigay ng kanyang mensahe ang ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino sa pamamagitan ng zoom bilang kanyang pagsuporta sa gawain. Nakasama dito ang miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kons Amelie Peñamante, Kons Renmar Sollestre, Kons Ronald P. Isidro, PPSK Mark Matthew P. Musni at PSDS Ireen O. Aveno.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »

Official Website of Municipality of Real
error: