Magandang gabi po mga kababayan,
Kapag sa inyong pamilya ay ikaw ang madalas na nasa labas dahil sa nature ng iyong trabaho, mas mainam na i-practice na ang paggamit ng face mask maging sa loob ng inyong tahanan, lalo na kung may kasamang may comordity o may karamdaman, lalo na ang mga senior citizens.
Magkaroon din ng distansya sa pagkain, kung hindi maiiwasan na sabay-sabay sa hapag kainan. Mas dalasan din ang paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol o sanitizer, maging sa mga frequently used items o surfaces. Hindi ito pagiging paranoid o kaartehan lamang. Sa panahon ngayon, ang ibig sabihin nito ay mahal lamang natin at mas iniingatan ang ating mga kapamilya. Di ka man komportable ngayon, simulan mo lang, makakasanayan din nating lahat ito.
Idagdag ko na din po dito. Sa panahon po ngayon, hindi din po masama na tumanggi muna sa pag-attend sa mga okasyon na alam natin na magdadami ng tao at tiyak na magkakaroon ng kainan at inuman, maging sa mga simpleng umpukan. Mga pagkakataong tiyak na malalagay ka sa sitwasyong tatanggalin mo ang mask at face shield mo. Wala na munang samaan ng loob sa ngayon. Hindi sa wala kang pakisama o corny ka. Kapag totoong kaibigan mo sila mauunawaan ka nila. Pramis. Ang importante hindi ka na expose lalo na ngayon at malamang hindi ka pa din vaccinated, at para masabi mo din sa sarili mo na safe ang iyong pamilya paguwi mo.
Naranasan namin first hand na magkaroon ng dalawang kapamilya na nag severe covid case kaya ko ito nasasabi. Apat kami na na-ospital. Napakahirap. Huwag na sanang maranasan pa ng iba. Wala na pong mas mahalaga pa kaysa sa kaligtasan ng pamilya. Bata man o matanda walang exempted sa Covid, kaya doble ingat po mga kapwa ko Realeño. Dalangin ko ang mabuting kalusugan para sa lahat.
PAKI-SHARE NA LAMANG PO ITO. GOD BLESS.
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines