Skip to main content

Barangay Development Planning Workshop

Matagumpay na naidaos ang dalawang araw na Barangay Development Planning Workshop sa pangunguna ng Municipal Planning and Development Office katuwang ang Department of the Interior and Local Government sa pangunguna ni MLGOO Raya T. Rublico.
Isinagawa ang pagsasanay sa ating Lokal na Pamahalaan kung saan ay dinaluhan ng mga opisyales ng Barangay ng Poblacion Uno, Poblacion 61, Cawayan, Ungos, Kiloloron, Capalong, Tignoan, Malapad, Lubayat, Pandan, Tanauan, Maragondon, Llavac, Bagong Silang, Tagumpay, Masikap at Maunlad.
Tinalakay dito ang mga sumusunod:
Day 1 :
•Legal Bases and Principles for Barangay Development Planning
•The Barangay Development Planning and CapDev Agenda Formulation Process
•Organizing the Barangay Planning Team
•Updating the Barangay Database/Profile
•Participatory Situational Analysis
•Formulating or Revisiting the Barangay Vision
•Goal and Objective setting
•Determining the PPAs & CapDev Agenda Formulation
•Investment Programming
•Crafting the Monitoring and Evaluation Plan
•Writing the Barangay Development Plan and CapDev Agenda
•Adoption and Approval of the BDP and CapDev Agenda
Day 2:
•Workshop
•Presentation of output
•Action Planning
•Activity Evaluation
Layunin ng gawain na makapagbigay ng pagsasanay at maturuan ang mga opisyales ng barangay sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyektong angkop sa kanilang pamayanan.
Nakasama dito si EnP Rommel A. Poblete na nagbigay ng kanyang input sa gawain at Municipal Administrator Engr. Rainier V. Aquino. Nagbahagi rin ng kanyang mensahe ang ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino sa pamamagitan ng Zoom. At mga naging pangunahing tagapagsalita na sina Planning Officer II EnP Jel Wyn C. Oligo, Project Development Officer I Precy C. Villanueva at Planning Assistant Engr. Edsel A. Oñate.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »

Official Website of Municipality of Real
error: