Skip to main content

Barangay Health Workers Training

Ang Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Manggagamot ay nagsasagawa ng 3-day training para sa lahat ng Barangay Health Workers dito sa ating bayan.
Ang ating mga BHWs ay malaki ang gampanin para sa pag-usad ng mga programa at proyektong pang-kalusugan. Sila ang nag sisilbing tagasubaybay sa kalusugan ng ating komunidad.
Layunin ng training na ito na ipaalam ang mga tungkulin ng isang BHW, talakayin ang iba’t-ibang programang pangkalusugan, at kung paano sila makakatulong sa pagkakaroon ng isang malusog na komunidad.
Nagbigay ng mensahe ng pagsuporta sina Mayor Bing Diestro Aquino, Vice Mayor Doyle Joel Diestro at Kons. Amelie A. Peñamante.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Official Website of Municipality of Real
error: