
Blessing and Turnover of Hanging Bridge
Binasbasan ni Fr. Sunny Quejada ang bagong hanging bridge sa Purok Kaimito, Barangay Kiloloron at nai-turnover ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino sa Pamahalaang Barangay ng Kiloloron sa pamumuno ni PB Maria M. Yu. Naisakatuparan ang poyektong ito mula sa Municipal Development Fund.
Ang pagdiriwang ay dinaluhan din ng Sangguniang Bayan Members, ilang kawani ng pamahalaang bayan at mga mamamayan nito.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso