Blood Donation ngayong darating na Oktubre 1, 2021

Please share!
Ang ating Tanggapan ng Pambayang Manggagamot (MHO) na pinangangasiwaan ni Dr. Maricris M. Uy-Municipal Health Officer ay nag-aanyaya sa lahat na mga nagnanais mag-donate ng dugo.
Ngayong darating na Oktubre 1, 2021, araw ng Biyernes mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali, kaugnay ng POPS Caravan, muling magsasagawa ng mass blood donation.
ALAM NYO BA?
◾️ Ang isang tao ay may 5-6 na litro ng dugo sa katawan
◾️ Pwedeng mag-donate ng dugo bawat ika-90 araw (3 buwan)
◾️ Ang ating katawan ay agad gumagawa ng panibago at
masisiglang dugo kahit sa oras pa lamang na binabawas ito sa
ating katawan
MGA PAALAALA
◾️ Walang dapat ikatakot sa pagbabahagi ng dugo
◾️ Pagkakuha ng dugo, manatili ng ilang minute bago bumangon
◾️ Magpahinga ng ilang minuto at kumain ng light refreshments na
ibibigay. Uminom ng tubig na mas madalas saloob ng 3 araw
◾️ Panatilihin ang plaster sa bahagi ng tinusukan ng karayom. Kung
magkakaroon ng pagkukulay sa bahagi ng tinusukan ito ay
mawawala rin pagkaraan ng ilang araw na walang anumang
epekto na idudulot sa katawan
◾️ Matapos makuhaan ng dugo, ang mga karaniwang gawain ay
maaaring ipagpatuloy maliban sa mga sumusunod:
* Pagmamaneho. Palibanin ang 6 na oras bagoi Sagawa ito
* Ang pagpapaandar ng mga mabibigat na makinarya
* Kung naninigarilyo, iwasan muna ito sa loob ng 2 oras
* Pag-akyat sa matataas o matarik na gusali
◾️ Panatilihin ang malusog na pamumuhay. At makaraan ang 3
buwan maaaring magbahagi uli ng dugo.
Kinakailangan na ang taong magbibigay ng dugo ay:
◾️ May maayos na kalusugan, walang sakit.
◾️ May timbang na hindi bababa sa 50 kilo.
◾️ Walang tattoo sa katawan
◾️ Nakatulog ng hindi bababa sa 8 oras
◾️ Hindi nakainom ng alak sa loob ng 24 oras
◾️ Walang sakit sa balat
◾️ Kung ang mga lalaki ay may butas sa tenga, dapat ay isang taon
na ang nakalilipas
◾️ 18-60 taong gulang; kung menor de edad ang donor
kinakailangan ang consent ng magulang
◾️ Ang huling bunot ng ngipin ay isang taon na dapat ang
nakalipas.
Kung babae ang magdodonasyon:
◾️ Dapat ay hindi buntis
◾️ Ang huling araw ng huling regla ay nakalipas nang 10 araw
HINDI MAARING MAGBIGAY NG DUGO ANG MGA SUMUSUNOD :
◾️ May Diabetes
◾️ May Cancer
◾️ May Hyperthyroidism
◾️ May sakit sa puso
◾️ May Severe Psychiatric Disorder
◾️ May Severe Bronchitis at iba pang sakit sa baga tulad ng TB
◾️ May sakit sa atay at sa bato
◾️ Dinudugo ng matagal
◾️ Gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
Para sa mga katanungan maaring magtungo sa Rural Heath Unit ng Real o tumawag sa 536-7375.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 6 1 0
Users Today : 30
Users Yesterday : 55
Users This Month : 1256
Users This Year : 12609
Total Users : 12610
Views Today : 75
Views Yesterday : 74

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: