Alinsunod po sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, umpisa ngayong Enero 3, 2022 hanggang Enero 20, 2022 ay bukas ang ating electronic Business One-Stop Shop sa Pamahalaang Bayan.
Upang maiwasan ang multa at surcharges, ang lahat ng may negosyo at mga nagnanais magnegosyo ay hinihikayat na maagap na kumuha ng kanilang Business Permit.
Makikita ang mga requirements sa ating website sa link na ito:
Sa mga may-ari ng negosyo na may kumpletong dokumento, maaari na rin pong iproseso ang inyong business permit online sa link na ito:
Para po sa iba pang katanungan, maaari po kayong makipag-ugnayan kay G. Enrico J. Rutaquio-BPLO, (042) 536 7107 o 0945 835 1918.