Isang signing of agreement ang naganap sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan at DSWD 4A Regional sa pamamahala ng ating Punong Bayan Mayor Bing Diestro-Aquino kasabay nito ang pag Turn over ng Listahanan 3.
Ang Listahanan 3 ay isang National Household Targeting System (NHTS) sa pilipinas na naglalayong tukuyin kung sino at nasaan ang mga mahihirap sa bansa. Ito ay isang database ng mga mahihirap na sambayanan na nagsisilbing batayan para sa gobyerno na bigyang-priyoridad at paglalaan ng mga mapagkukunan para sa mga programa at serbisyo sa proteksyong panlipunan.
Ipinaliwanag ni Regional Field Coordinator National Household Targeting System Jhohanna A. Acebes ang patungkol sa Listahanan 3, nilalayon nito na identidad ang mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng isang pare-parehong hanay ng mga pamantayan, pagbutihin ang disenyo ng mga programa sa proteksyong panlipunan upang mapakinabangan ang benepisyo ng mahihirap at padaliin ang pagbabahagi ng mataas na kalidad ng database sa publiko at pribadong mga stakeholder ng proteksyon sa lipunan.
Ang aktibidad na ito ay dinaluhan nina Halig Punong Bayan Doyle Joel Diestro, Kons. Amanda Sharon Domingo,Kons.Renmar Doestre, Kons. Seth Almonte, Mr.Leonardo Viñas Jr., DSWD 4A Regional Information Technology Officer /NHTS, Mr. John Mar Tolentino DSWD 4A Statistician II/NHTS, at ilang department heads at kinatawan ng Lokal na Pamahalaan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines