Nagkaroon ng pagpupulong sa pangunguna ni MLGOO Raya T. Rublico katuwang ang mga tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development, Municipal Health, Municipal Planning and Development, Municipal Nutrition Action, at Department of Education.
Dito ay pinag-usapan ang patungkol sa gaganapin na 2022 Child-Friendly Local Governance Audit using the Seal of Child Friendly Local Governance Knowledge Management System na kung saan ay ginagawa ito kada taon upang ipatupad ang mga patakaran, programa, proyekto at serbisyo sa bawat munisipalidad. Nakasaad dito na ang mga makukuhang datos at resulta ng CFLGA mula sa iba’t-ibang bayan na malaman kung sino ang kailangan ng technical o financial assistance. Bukod pa rito ay ang CFLGA CFLG KMS ngayong taon ay isa nang automated system na kung saan ang impormasyon at audit ay binubuo na mula sa CFLGA.
Ang pagpupulong na ito ay personal na dinaluhan nina Admin Aide/DepEd Ronalyn Nado, Administrative Officer I Ejeel V. Regado, Social Welfare Officer I Larrylyn S. Crisostomo, Nurse III Maria Divina P. Villasis, Nurse I Rhea R. Gupit, Nutritionist-Dietitian I Roxan Marie E. Revellame, MWSDO Leo James Portales, MPDC Rommel A. Poblete at DILG Staff Kimberly P. Conde.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodblessReal
#AksyonDiretso