Sa pagpapatuloy ng pulong sa pagitan ng RTTI AT RTODA at Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board (MTFRB), ay pinag-usapan ang iba’t ibang adyenda patungkol sa transportasyon dito sa ating bayan. Una rito ay ang resolusyon ng samahan sa pag-eendorso ng bagong aplikante para sa prangkisa, kahilingan na makapagdagdag ng bagong TODA-LLABATODA, pag-review ng 2017 masterlist ng prangkisa, tungkol sa pasahe, bilang ng pasahero at overloading partikular sa MALUPA area.
Ito ay dinaluhan ni SB Committee Chair on Transportation Kons. Amanda Sharon D. Domingo, Municipal Administrator Engr. Rainier V. Aquino, TRB Secretary Fe Coralde, ilang miyembro ng RTTI at RTODA, at ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino.