COVID-19 CONFIRMED CASES NOT INCLUDED IN THE PROVINCIAL COVID-19 UPDATE AS OF APRIL 13, 2021 | 7:00 PM

CONFIRMED CASE – 6
ACTIVE CASE – 0
RECOVERED – 6
PAGLILINAW:
Ang ating bayan ay nakakatanggap ng mga ulat ng bagong kaso ng COVID-19. Ilan sa mga ito ay hindi ibinibilang ng Provincial Health Office sa ating bayan kaya’t minarapat ng ating lokal na pamahalan na ibukod ang datos ng mga ito. Ang mga dahilan ng Provincial Health Office ng hindi pagsama ng mga datos ay ang mga sumusunod:
● Ang ginamit na address ay ibang lugar na hindi sakop ng bayan ng Real o ng Quezon Province
● Naisagawa ang RT-PCR test sa ibang lugar na hindi sakop ng bayan ng Real o ng Quezon Province
Gayunpaman ay minarapat ng ating lokal na pamahalan na i-ulat ang kanilang mga datos sapagkat sila ay nag tatrabaho o kasalukuyang nakatira dito sa ating bayan.
______________________
COVID-19 CONFIRMED CASE # 6
• Isang 35–taong gulang na lalaki mula sa Poblacion 1
• Siya ay nag-tatrabaho sa Metro Manila at umuwi sa ating bayan noong ika-1 ng Abril
• Nakuhanan ng RT-PCR test bilang bahagi ng requirements sa kaniyang trabaho noong ika-31 ng Marso at lumabas na POSITIBO ang resulta noong ika-2 ng Abril
• Nakakaranas ng sintomas tulad ng sipon at kawalan ng pang-amoy at pang-lasa
• Nakuhanan ng pangalawang RT-PCR test noong ika-8 ng Abril at lumabas na NEGATIBO ang resulta ngayong ika-13 ng Abril
• Siya ay idineklarang RECOVERED ng ating Municipal Health Office
_______________
PAALALA:
Ang COVID-19 ay maaring makahawa sa malapitang pakikisalamuha sa ibang tao, kaya naman ang lahat po ay pinag-iingat at pinapayuhan na manatili sa kanilang mga tahanan kung wala namang importanteng pakay sa labas at sa mga pampublikong lugar; palagiang maghugas ng kamay, magtakip ng bibig kung uubo o babahing gamit ang panyo, tissue paper at manggas ng damit.
MAKIISA AT MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT REALEÑOS!
OPCEN (OPERATION CENTER ON COVID-19) HOTLINE:
0905-364-1041
0975-515-5972
MAC (MUNICIPAL ACTION CENTER) HOTLINE:
0999-929-4247
#StayHome
#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#RealeñoDisiplinado
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 1 9 8 1
Users Today : 34
Users Yesterday : 44
Users This Month : 627
Users This Year : 11980
Total Users : 11981
Views Today : 66
Views Yesterday : 83

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: