Bilang bahagi ng Peace and Order and Public Safety (POPS) Caravan na pinangungunahan ni Mayor Bing Diestro Aquino katuwang ang Sangguniang Bayan, nagsagawa ng Cybercrime Awareness Campaign ang Real Municipal Police Station sa pangunguna ni PCPT Jernie Junne M Merka-OIC/Real MPS, katuwang ang Lokal na Pamahalaan, at DepEd Real.
Layunin ng programa na madagdagan at mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga kabataang Realeño tungkol sa mga ganitong usapin upang maiiwas sila sa kapahamakan. Ito ay dinaluhan ng ilang mga guro at mag-aaral mula sa Junior at Senior High School.
Nagbigay ng mensahe sina Halig Punong Bayan Doyle Joel M. Diestro na kinatawanan ni former councilor Raffy M. Morfe, Kons. Jerna D. Asis-Poblete, Kons. Renmar Sollestre, Kons. Julie Ann Macasaet at PPSK Larissa Jane S. Gardose.
#POPSCaravan2022
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines