Sa ikalawang araw nang pagdiriwang ng Buwan ng mga Sining, dumalo ang mga grupo at indibidwal na mananayaw mula sa iba’t-ibang barangay. Sila ay sumailalim sa pagsasanay sa Hiphop Dance sa gabay ni G. Marco De Ausen at Modern Jazz sa pagtuturo ni Bb. Summer Magsino, kapuwa mga guro sa Halili-Cruz School of Dance.Ang dalawang araw na pagsasanay ay naging matagumpay dahil sa ugnayan National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Municipal Tourism Office (MTO) sa pamamahala nina PPSK Jenra D. Asis, SB Chairperson on Tourism Culture and Arts Committee at Tourism Operations Officer Benirose Marie V. Talabucon.
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines