DEPLOYMENT OF ARTIFICIAL REEFS

Sa pamamahala ng ating Punong Bayan Bing Diestro-Aquino, pinangunahan ng Municipal Agriculture Office (MAgO) sa katauhan ni Municipal Agriculturist Evangeline F. Paril ang paglulubog o Deployment of Artificial Reefs. Kasama ang ating Punong Bayan, Halig Puong Bayan Joel Amando A. Diestro, Kons. Noime L. Azcarraga- SB Committee Chair on Agriculture, ilang SB members, katuwang amg mga masisipag na bumubuo ng samahan ng SAMAMARE at MASKI.

May mga panahong nasisira ang mga korales na siyang natural na tirahan ng mga isda, kaya’t naglaan ng pondo ang Lokal na Pamahalaan upang makapagsagawa ng deployment of artificial reefs upang mapanatili at huwag lumayo ang mga isda sa palabas sa hangganan ng Real.

Sa pamamagitan ng proyektong ito ay mapapadami, mapapalaki at magiging sustenable ang produksyon ng ating pangisdaan. At sa pamamagitan din nito ay mapapasigla mas maiitaas ang antas ng pamumuhay ng maliliit na mangingisda ng Bayan ng Real.

Papugay at pasasalamat sa ating mga kababayang mangingisda!

« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 2 3 6 9 6
Users Today : 60
Users Yesterday : 117
Users This Month : 828
Users This Year : 23695
Total Users : 23696
Views Today : 77
Views Yesterday : 211

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: