Maraming salamat po kina Congressman Mark Enverga at DOLE Provincial Director Edwin Hernandez sa napakahalagang tulong para sa aming 550 kababayan mula sa iba’t-ibang barangay na sumailalim sa TUPAD Orientation na mabibigyan ng trabaho sa ilalim ng programang ito. Naging katuwang dito ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Bing Diestro-Aquino kasama ang Public Employment Service Office sa pangangasiwa nina G. Ildefonso A. Cleofas, Jr. At Ms. Mary Grace Supremo.