Pinakikiusapin po natin na ang lahat ay sumunod sa pre-emptive evacuation na inaatas ng MDRRMO, lalo na ang hilaga at gitnang bahagi ng Quezon (General Nakar, Pollilo Islands, Infanta, Real, Mauban, Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Tagkawayan, Guinayangan) na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 2. Samantalang signal No. 1 sa iba pang mga bayan sa lalawigan.