
Enero 10, 2021| LAND AWARDING CEREMONY
Dinaos ngayong araw ang Land Awarding Ceremony para sa 17 benepisyaryo ng Brgy. Tignoan. Ito proyekto ng Sangguniang Baranggay ng Tignoan sa pamumuno ni PB Ariel E. Montes upang ma-relocate ang mga kababayan natin mula sa disaster risk area patungo sa mas ligtas na lugar.Kasama ang mga Barangay Kagawad, Punong Barangay, Halig Punong bayan Joel Amando A. Diestro at Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino kung saan ay nilagdaan nila ang mga Kasunduan ( Memorandum of Agreement ) at mga Certificate of Ownership. Kasunod nito ang paggagawad ng mga sertipiko sa mga benepisyaryo, Nagpahayag din sila ng kani-kanilang mensahe at nagpaabot ng pasasalamat ang mga benepisyaryo.