Nagkaroon ng pagpupulong ang REINA Tourism Cluster sa pangunguna ng Department of Tourism Region IV-A CALABARZON patungkol sa gagawing GREEN CORRIDOR PROJECT.
Tinalakay ni G. Michael Palispis, Regional Director IV-A CALABARZON ang mga detalye ng nasabing proyekto. Kasama din sa nasabing pagpupulong ang Quezon Provincial Tourism Office sa pangunguna ni G. Alberto S. Bay – Acting Head QPTO. Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan ng lokal na turismo ng Real, Infanta, at General Nakar. Dumalo rin sa pag pupulong ang ating Punong Bayan Diana Abigail Diestro-Aquino at Punong Bayan Filipina Grace R. America ng Infanta.