Skip to main content

Enero 11,2021 | Pinangunahan ng Municipal Mayor’s Office (MMO) ang tradisyonal na pagtataas ng bandila

Nakasama rin si Ptr. Arman Gilos na siyang nagbahagi ng Salita ng Panginoon na hango sa Awit 37: 23-31 “Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon; at siya’y nasasayahan sa kaniyang lakad. Bagaman siya’y mabuwal, hindi siya lubos na mapapahiga: Sapagka’t inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay.”.
Kasunod nito ang pag-uulat ni Municipal Administrator Filomena M. Portales upang bigyan ng sertipiko ng pagkilala ang Sining Salambaw Dance Group Lubayat National High School na lumahok sa isang Dance Contest ng National CommisSion for Culture and the Arts (NCCA) na dinaluhan ng ibat-ibang rehiyon at maging ng internasyonal nitong nakaraang Pebrero 2020. Nag-ulat din ang ating Municipal Agriculturist Evangeline F. Paril patungkol sa Cash Assistance na ipamamahagi mula sa Philippine Crop Insurance Corporation para sa labing walong (18) naapektuhan ang pang-agrikultura at kabuhayan dulot ng Bagyong Ambo na mula sa Barangay Capalong, Pandan at Cawayan.
 
Nakasama rin natin ngayong umaga ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan at Halig Punong Bayan Joel Amando Diestro nagbahagi ng mensahe. Nagbigay din ng ulat ang ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino sa mga nagawang accomplishment sa nakaraang linggo at mga gagawing aktibidad.
Official Website of Municipality of Real
error: