
Enero 13, 2021 | DRAFT GUIDELINES FOR VALIDATION OF LGU COMPLIANCE WITH ROAD CLEARING
Nagkaroon ng pagpupulong sa pangunguna ni MLGOO Ann Maureen D. Gumboc na kung saan kaniyang tinalakay ang DILG Memorandum Circular 2020-145 na may kinalaman sa pagpapatuloy ng road clearing para sa lahat ng lokal na pamahalaan.
Ipinaliwanag niya dito ang mga guidelines sa pagsasagawa ng road clearing validation at mga forms na kailangang sagutan ukol dito. Sinabi rin niyang ang grupo na siyang magsasagawa nito ay binubuo ng MLGOO, PNP, BFP at CSO.