
Enero 22, 2021 | CASH AND FOOD SUBSIDY FOR MARGINAL FARMERS AND FISHERFOLD (CFSMFF) PROGRAM
Sa tulong ni Cong. Mark Enverga-Chairman, House Committee on Agriculture and Food at pangunguna ng Department of Agriculture, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Real, Tanggapan ng Punong Bayan at Municipal Agriculture Office, namahgi ng pagkain at tulong pinansyal ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) 4-A sa 1610 na benipisyaryong mula sa sektor ng mga mangingisda ng ating bayan na nakabase sa kanilang (BFAR) 2015 na listahan.
Ang bawat-isa sa kanila ay nakatanggap ng PhP2K na halaga ng pagkain na may 2 tray na itlog, 2 kabuong karneng manok, 25 kg bigas at PhP3,000.00 cash na iki-claim naman ng mga benepisyaryo sa MLhuillier.
Ang mga bilang ng benepisyaryong nakatanggap ng tulong kada barangay ay ang mga sumusunod:
Cawayan – 30 benepisyaryo
Poblacion 1 – 161 benepisyaryo
Poblacion 61 – 246 benepisyaryo
Ungos – 286 benepisyaryo
Kiloloron – 88 benepisyaryo
Capalong – 121 benepisyaryo
Tignoan – 380 benepisyaryo
Tanauan – 4 benepisyaryo
Bagong Silang – 4 benepisyaryo
Malapad – 102 benepisyaryo
Lubayat – 58 benepisyaryo
Pandan – 130 benepisyaryo
Maraming salamat po.
Papugay sa ating mga kababayang mangingisda!