Enero 27, 2021 | PAMBAYANG PEDERASYONG NG LIGA NG MGA BARANGAY ASSEMBLY

Nagdaos ng pagpupulong ang lahat ng opisyal ng barangay sa ating bayan sa pangunguna ni PPLB Madelyn M. Diestro, at personal itong dinaluhan nina Mayor Bing Diestro-Aquino, Vice Mayor Joel Amando A. Diestro, ilang miyembro ng Sangguniang Bayan at PPSK Jenra D. Asis.Nagbigay ng update si MGADH Engr. William L. Lucero tungkol sa road clearing operations at si LDRRMO III Ricky A. Poblete patungkol naman sa disinfection and health protocols. Nagsagawa ng orientation si G. Larry L. Borreo tungkol sa Real Property Tax at iniulat naman ni Municipal Administrator Filomena M. Portales ang naging resulta sa ginawang GeRL Assessment ng kada barangay.
Namahagi din ang Lokal na Pamahalaan sa bawat barangay ng tarpaulin na nagsasaad ng Kautusang Pambayan Blg. 12 Taong 2020, partikular sa pagsusuot ng facemask at ang mga karampatang parusa sa sinumang lalabag dito.
Ipinakilala sa kapulungan ang bagong Chief of Police ng Real Municipal Police Station sa katauhan ni PLT Jose Wennie T Tayactac.
Sa pamamahala ni Mayor Bing Diestro-Aquino, ipinamahagi sa mga Sangguniang Barangay, SK Chairperson, Barangay Treasurer at Barangay Secretary ang special assistance mula sa Office of the President.

« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 6 8 2 9
Users Today : 128
Users Yesterday : 37
Users This Month : 222
Users This Year : 16828
Total Users : 16829
Views Today : 228
Views Yesterday : 54

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: