
Enero 28, 2021 | TURNOVER OF FIBERGLASS BOATS
Naging matagumpay ang 240 benepisyaryo ng fiberglass boats ng ang mga ito ay pormal nang ipinagkaloob sa kanila ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Danilo E. Suarez na kinatawanan ni Quezon KALIPI President Atty. Joanna Suarez, katuwang ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno nina Mayor Bing Diestro-Aquino at Vice Mayor Joel Amando A. Diestro kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.Ang mga fiberglass boats na kanilang tinanggap ay sila mismo ang bumuo sa ilalim ng Skills Training on Fiberglass Fabrication na pinangasiwaan ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni MSWDO Leo James M. Portales.
Sa mensahe ng ating Punong Bayan Bing Diestro-Aquino, nagparating siya ng taos pusong pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagdownload ng PHP4.8M na pondong inilaan ukol dito. Hinimok niya ang mga benepisyaryo na bukod sa asosasyon, ay bumuo din sila ng pederasyon upang mas mapalawak ang mapagkukunan ng tulong para sa higit pa nilang ikauunlad. Aniya pa, ang kapulungan ay muling ipapatawag upang sila ay mabigyan naman ng makina para sa kanilang bangka at iba pang gamit pampangisdaan na magmumula naman sa pondo ng pamahalaang bayan.
Naging kabahagi ng programa si Municipal Agriculturist Evangeline F. Paril, bilang pinuno ng Municipal Agriculture Office, ang tanggapang tuwirang katuwang ng mga mangingisda. Ito ay dinaluhan din nina dating Bokal Raquel Mendoza, G. Jason P. Coronacion-OIC Provincial Coordinator-SLP Quezon , G. Alvin Atienza -SLP Project Development Officer, Bb. Sheena Delos Reyes-SLP Project Development Officer, Bb. Levita Aderes-SLP Project Development Officer, Bb. Reena Andrey, at Bb. Jennifer Lascano kinatawan ng Provicial Social Welfare Development Office.
Mabuhay ang mga mangingisdang Realeño! Ang Lokal na Pamahalaan ay nagpupugay sa inyo.